“At Ang Kanyang Sinasagisag na may dangal, katarungan, at kalayaan”

May balang hindi nakamamatay, pero tumatama

At pistol na hindi nakasusugat, ngunit gumuguhit

Puso at isip ang inaasinta

Parehong kalayaan ang tinatamasa

Mandirigmang hindi naghahangad nang pagdanak ng dugo

Dilat ang mga mata at kuyom ang kamao

Nag-aasam manalo sa digmaang walang hawak na armas

Para sa pagnanasang makaalpas

Itinataya ang buhay pero hindi sa pakikipag-patayan

Kundi sa pagsulat ng katotohanan

Dito, kung saan hindi ako nauutal

Ipaglalaban ko ang aking bansang nasasakdal

Kabayan kong binihag

Bayan kong sakdal dilag

Hayaan mo kaming magsalita

Hayaan mo kaming muling maging malaya

Muli, ika’y nasasakdal sa dusa

Kaya’t ngayon, ang aming adhika

Bilang kabata, na ang armas ay salita

Ay makita kang muling sakdal laya

Previous
Previous

Tahanan